C-H-R-I-S-T-I-A-N!
-The term "Christian" is used adjectivally to describe anything associated with Christianity, or in a proverbial sense "all that is noble, and good, and Christ-like." (wikipedia)
*Christ-like
*follower of Christ
C-H-R-I-S-T!
Iba't iba ang ugali ng tao, Iba't iba, depende sa kinalakihan nila, depende sa emosyonal, espiritwal, pinansyal, mental at sa lahat ng aspeto ng buhay. May kanya-kanya rin tayong paniniwala. Kaya naman, iba't iba rin ang pag-uugali natin hindi ba?
Sa dalawampu't isang taon ko sa mundo, marami na akong nakilalang mga tao. At syempre, may kani-kaniyang ATTITUDE ika nga, ang bawat isa.
Habang lumalaki ako, batid ko ang kaibahan sa pagitan ng Christians o mga mananampalataya at ng Non-C, o yun mga hindi pa nakakikilala sa Panginoong Jesus.
Habang nagkakaisip naman ako, unti-unti kong nalalaman ang pagkaka-iba ng mga indibidwal na nabubuhay sa magkaiba ding mundo..
Ang binabago, ang pagbabago at ang binago.
Ang binabago.
Mayroon ba sa atin na pagkalabas pa lamang sa sinapupunan ng kanyang ina ay "Christian" na?
Naaalala mo pa ba ang mga unang taon mo sa mundong ito?? Eh ang unang salitang binigkas mo?
Hmmn..lahat tayo ay nagumpisa sa wala. Walang muwang. Walang talino. Walang lakas. Lahat ng dunong natin ngayon ay pinagsalin-saling kaalaman na lamang. Tinuro ni nanay, ni tatay, ni lolo't lola, nang ating mga guro at nang kung sinu-sino pa.
Ang pagbabago.
Masayang mamuhay na kasama si Cristo. Nakakilala ako sa Panginoon ng dahil sa mga tao sa paligid ko. Ibinahagi sa akin ng Nanay, Tatay at sunday school teachers ang patungkol sa buhay na walang hanggan. Patuloy na lumalago sa pananampalataya sa pamamagitan ng worship service, fellowship group, mga ka-B.S. sa school, mga babasahin at ng Bibliya sa tulong ng Diyos.
Hindi ko ito nadiskubre. Una kong nalaman ang patungkol sa mga bagay na ito dahil minsang IBINAHAGI ito sa akin.
Ang binago.
Ang buhay na binago ni Cristo ay masaya at kapanapanabik. May kapayapaan sa gitna ng unos. May kapanatagan sa gitna ng kaguluhan. May buhay na pag-asa sa gitna ng nanlulumong mundo. May pag-ibig sa kaaway. oh ha? napaka-CHALLENGING hindi ba?
Ang "buhay-Cristiyano" ay hindi lang basta mahirap. Higit pa sa napakahirap. At hindi rin ito pinakamahirap.
Ito ay isang imposibleng bagay KUNG wala ang Banal na Espirito sa'yo. .
Para bang isang puno sa gitna ng disyerto. Walang mapagkunan ng sustansya't naghihintay lamang sa ulan. Inasahang mamunga sa kabila ng nanunutuyot na sarili. Sandigan at silungan ng iba habang nagpapakatatag sa gitna ng init at buhangin.
Sa ating paglago, mas naiinvolve tayo sa iba't ibang gawain sa simbahan. Seminar dito, seminar doon.
Samu't saring activities ang pinagkakaabalahan. Maya't maya ang meeting at fellowship. Iba't ibang grupo ang binubuo. B.S. kahapon, bs mamaya, bs bukas.
..Nagiging COMMITTED tayo sa mga gawain. walang masama dito lalo na kung tayo nama'y lumalago. namumunga. Lumalawak ang kamalayan at pagkaalam.
Ang Kapahamakan ng Dunong at Kaalaman.
Antas ng pagkaunawa, lalim, pinag-aralan, pinagdaanan, karunungan, kaalaman.
Kung ang isang tao'y maraming nalalaman at malalim ang pagkakaunawa sa isang bagay, asahan mong hindi siya magpapatalo kung mayroon kayong hindi mapagkasunduan. Ang mga taong may mataas na pinag-aralan, malayo na ang narating o di kaya'y matagal na sa isang larangan ay hindi basta basta sumasang-ayon sa mga taong mas mababa sa kanila.
Ito ay isang bangin sa mga Cristiyano at marami na ang nahuhulog dito.
Karamihan sa mga "COMMITTED Christians" ang nagtataboy sa mga hindi pa mananampalataya. Sa dami nang kanilang na-"achieve", lumalakas ang tiwala sa sarili. Sa dami nang napuntahang seminar, nawawala ang duda ng pagkakamali. Hindi na ginagamit ang pandinig at palaging sila na lamang ang tama.
COMMITTED lang noon na nagiging MAKITID.
Minsan naisip ko, mas masarap pang kakwentuhan ang di-mananampalataya kesa naman sa mananampalatayang makitid at "self-righteous". Siya lang ang tama at hindi marunong makinig.
Nagiging "all-knowing" na..
Mahirap makahikayat at mag-witness ang mga ganitong klase ng tao. Itinataboy nila papalayo ang mga tao. Nabubuhay na lamang sa "number-colon-number". Teknikal kung makipag-usap. Palaging may alam. Palaging mas magaling. Mas banal at mahilig pansinin ang pagkakamali ng iba.
Nakakalungkot lang na sa init ng masigasig nating paglilingkod ay iba ang naluluto.
Isang perpektong halimbawa nga ang ginawa mismo ng ating Panginoong Jesus. Nagkatawang tao Siya at nagpakababa upang maisalaysay sa ating mga tao ang Kanyang nais ibahagi-pagibig.
Kung ang hangarin natin ay makapagbahagi ng salita ng Diyos, hindi natin kailangang maging magaling at maging matalino. Hindi requirement ang mga certificate sa mga seminar,forum at bible school.
HINDI ko sinasabing mali ang pag-attend sa mga seminar. HINDI ko sinasabi na huwag na tayong magpunta sa mga gawain. At lalong HINDI ko sinasabi na huwag masyadong masigasig sa paglilingkod.
Nawawala lang ang tunay na layunin ng pagpapakapagod natin. Ang masyadong tiwala sa sarili, nakasisira ng mithiin. Sayang ang effort. Bale wala.
Tulad muli ng puno.
Ang punong mababa at abot pa ng karamihan ay napakikinabangan ang lilim at ang bunga nito SUBALIT wala kang masisilungan sa punong napakataas at ang mga bunga nito'y nahuhulog na lamang sa kabulukan pagkat walang sinuman ang maka-aabot nito. -C.E.Perez