Plans..Desires..Dreams..Wants..
Nang dahil sa mga bagay na ito, natututo tayong magsumikap, magtiyaga, magpakahirap, maghintay at kahit pa imposibleng bagay ay sinusubok natin. " no pain, no gain" ika nga nila. Ngunit bakit natin ito ginagawa??
Dahil may gusto tayong marating? gustong patunayan at gustong makamit?
Eh paano kung ang hangarin mo ay taliwas sa plano ng Diyos para sa iyo??
Ilang beses mo na bang nasambit ang mga katanungang "Ano ba talagang plano mo, Lord?"
o di kaya'y "anong dapat kong gawin,Lord?"
Dumating ka na ba sa punto ng buhay mo na halos hindi mo na alam kung ano ang gusto mo at sa gusto ng Diyos para sa iyo?
Para bang cake at ice cream. Parehong nakahain, pero isa lang ang dapat mong hangarin. Pareho mong gusto ngunit isa lang ang dapat mong kunin. Parehong masarap pero isa lang ang makapagpasatisfy sa'yo. hmmn.. Paano ko nga ba malalaman ang gusto ng Diyos para sa'kin?
PAANO MO NGA BA MALALAMAN?
Bakit may mga tao na magkatinginan lang eh, alam na nila ang ibig sabihin ng bawat isa?
Isang ngiti pa lang eh, alam na ang sagot sa itinatanong niya?
Isang lingon lang eh, alam na kung bad o good mood siya?
Sa aura pa lang eh, nalalaman na kung may problema siya o wala?
PAANO AT BAKIT?
Simple lang, dahil "CLOSE" sila.. malapit sa isa't isa. Ito yung mga tao na halos magkapalit na ang mukha dahil sila na lang palagi ang magkasama at magkausap. Sa dalas ng kwentuhan nila, lumalalim ang samahan. Sa lalim ng kanilang samahan, nakapagpapalagayan sila ng loob.. At dahil sa palagay na ang loob nila sa isa't isa, anu mang bagay na pagdaanan ng bawat isa ay nalalaman din ng bawat isa. Minsan nga'y nasubsob ka lang ay itetext mo pa o di kaya'y naka shout out pa sa FB. Maliit o malaking bagay man, ibinabahagi niyo sa isa't isa.ISA'T-ISA
Dalawa o higit pang tao na nagiging isa dahil sa malalim ang pagkakilala, malawak ang ugnayan, madaming pinagsamahan at matindi ang pinagdaan na MAGKASAMA. If one falls down, his friend can help him up. But pity the man who falls and has no one to help him up!-Ecclesiastes 4:10
*balikan natin ang katanungang---->"Paano ko nga ba malalaman kung anu nga ba ang gusto nang Diyos para sa'kin"?
Ang sagot? Simple lang din. Dapat "CLOSE" kayo ni GOD. Malapit sa isa't isa. Yung tipong makikita na sa'yo ang mukha ng Diyos dahil lagi kayong magkausap at magkasama. Sa dalas ng kwentuhan niyo, lumalalim na ang samahan. Sa lalim ng inyong samahan, napapalagay na ang iyong loob anu man ang kaganapan sa buhay mo.. At dahil palagay na ang iyong loob sa Kanya, nasasabi mo anu man ang pinagdadaanan mo. Minsan nga'y masubsob ka lang ay ikekwento mo pa sa Kanya. Maliit o malaking bagay man, sinasabi mo 'to sa Kanya.
Naalala ko tuloy ang kwento ng isang Pastor sa church namin, ultimo pagbili daw ng sapatos niya ay ikinokonsulta pa niya ng ilang araw o linggo sa Diyos bago ito tuluyang bilhin. Nung bata pa ako, madalas kong mapansin ang pastor na ito.. Habang nakaupo, bumubulong-bulong. Habang nakatayo, bumubulong-bulong. 'Pag nag-iisa, aba, bumubulong-bulong pa din! Nagtaka ako.."ano kayang ginagawa nun?!". Yun pala, nakikipagkwentuhan siya sa Diyos. At hindi na ko nagtataka kung bakit hindi lang "may kaya" ang estado niya sa buhay ngayon kundi "kayang-kaya!". Sapagkat lumakad siyang kasama ang Diyos.
Ngayon, kung hindi mo pa rin mawari kung cake nga ba o ice cream ang para sa'yo.. Maghintay ka lang. Malamang ay kasalukuyang inihahanda ng Diyos ang specialty Niya para sa'yo.
Ang kailangan lang gawin ay maghintay :))
No comments:
Post a Comment