Tuesday, February 8, 2011

36 years of God's Faithfulness!

Your mercy and loving-kindness, O Lord, extend to the skies, and Your faithfulness to the clouds.    -Psalm 36: 5

"Ang ganda ng church (building) n'yo. Ang laki!" , "Masigla ang awitan kahit hymns..", "close kayo dito 'nu?"
Yan ang madalas kong marinig sa mga guest speaker at mga bumibisita sa church. Hindi ba't nakaka-taba ng puso, lalo na kung alam mong kabahagi ka ng kongregasyong hinahangaan at sabihin na nating kina-iingitan ng iba.. Kaya naman isang kasiyahan sa akin ang maglingkod sa Panginoon sa simbahang ito. Dito na ako lumaki at masasabi kong,-DIYOS AY TAPAT.


36 years is certainly more than enough reason para magdiwang! Isama mo pa ang worship hall (na may pintura na ngayun, praise God!), ang fellowship hall na de-aircon (ehem!), ang conference room, ang office, ang pantry, ang carport na nagiging basketball court, ang kainan sa punong mangga, ang parsonage, ang c.r., ang L300, ang piyerang blue, ang mga pastor, ang mga manggagawa, ang choir, at ang mga kapatiran..sinong makapagsasabi na nag-umpisa lang ang lahat sa isang maliit na garahe? hmm,Lord,-TUNAY KANG MATAPAT.


Though our church is comprised of wonderful, caring and loving people, aminin natin na we are flawed people who lack full commitment and faithfulness. Marami na ang umalis, ang iba ay bumalik, marami na ang nagbalak umalis, marami ng nakasakit. mas marami ang nasaktan. "Tayo tayo nag-aaway away." Kung wala ang ating Diyos, hindi tatagal ng 36 years ang PBCC, baka nga wala pang isang linggo tapos na tayo eh. (epic fail!) Thanks be to GOD for He is the one who remained present in the midst of our church for all these years.
isipin nyo ang simpleng bagay: Lagi tayong LATE sa worship service pero ang pagpapala ng Diyos sa'tin laging "ON TIME".
unfair di ba?:) ang tawag diyan -DAKILANG KATAPATAN!


Huwag nating kalimutan ang "SINO" at "BAKIT" ng ating selebrasyon. h'wag lang sana ang kantahan, pagkain at palaro ang maalala natin sa pagpunta natin sa PBCC. Gamitin natin ang opportunity na sumamba, magpasalamat at magpuri sa Diyos na Maylikha. Mayaman sa pagpapala at alaala ang PBCC. Masarap ding balikan at minsan pang gunitain ang mga di malilimutang pangyayari sa loob ng 36 years. Ngunit naniniwala ako na wala pa 'to sa "climax". The best years are yet ahead of us! May we look to the wonderful foundation that has been laid during our 36 years and build on that foundation in the years to come. Hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Jesus!
HAPPY 36th ANNIVERSARY Pasig Bible Christian Church!!!


*He's Been Faithful,
Faithful To Me.
Looking Back He's Love And Mercy I See;
Though In My Heart I Have Questioned,
Even Failed To Believe..
Yet He's Been Faithful, Faithful To Me*



Simbarangayan 2010!
(ang mga larawan ay galing kina mich caceres,merla elpa, sarah que, hanna que at sheree capistrano)

Preaching Seminar W/ Pastor Sam Castro


Senior Citizen- Christmas presentation
Survivor!

 
Hulo Bible Christian Church 
Deborah Singers & Sharon Vicente Hernandez

  
Elder Oscar Manansala, Bishop Leo Alconga & Elder Robert Que Sr.
                                                                          
 
Sta. Cruz Bible Christian Church
 
Harvest :)


Pasig Bible Christian Church Choir
(ang mga larawan ay galing kina mich caceres,merla elpa, sarah que, hanna que at sheree capistrano)




Lord, thank you for Your faithfulness to our church!

Friday, February 4, 2011

Sa mundong mali ay nagiging tama,
Sadyang nililinlang ang 'yong mata;
kapahamaka'y nagiging maganda,
at kasalana'y hindi na halata.

Sa mundong maingay ang katahimikan,
Litong isip ay nagugulumihanan;
Ang kapahingaha'y walang tahanan,
Tainga ay bingi sa katotohanan.

Sa mundong kapayapaan ang kaba,
Bakas ng kahapon ay ala-ala;
Daratning bukas ang laging pantaha,
Ang ang isipan ay pagala-gala.

Sa mundong ito, marami ang nalilinlang. kaakit-akit ang mali at tila mahirap gawin ang tama.
maraming sumisigaw ngunit mas malakas ang bulong,
maraming sumasayaw sa tugtuging malungkot.
marami ang napapakanta sa pananahimik,
maraming tumataksil sa tapat,
maraming nanloloko sa katotohanan.

kawawang mundo.
kawawang tao.
nalinlang ng sarili n'yang anyo.
nalinlang ng sarili n'yang plano.
impormasyon ay kapangyarihan..
kapangyarihan ng mga taong duwag at di marunong lumaban.
kapangyarihan ng mga taong sakim at sugapa.
kapangyarihan ng mga taong takot sa katotohanan.
kapangyarihan ng mga taong wala nang pag-asa't desperado.
kapangyarihan ng mga taong nangangarap ng gising.
impormasyon ay kapangyarihan na dapat pag-ingatan..dahil baka sa huli, yan rin ang wawasak sa'yo.

ikaw rin, sige ka. :)

ilang numero na rin ang nagdaan sa kalendaryo,
ilang buwan na rin ang lumipas mula no'ng Hunyo;
ilang pagluha na rin ang pinawi ng panyo mo,
ilang araw pa ba ang muling pag-ikot ng mundo mo?

kama'y ng orasa'y walang tigil sa pag-galaw,
magpapalit-palit man ang buwan at ang araw;
lilipas ang taon at di mo na matatanaw,
kailan pa hahakbang, kikilos at gagalaw?

iwanan ang damdamin na sa'yo ay pumipigil,
pagpatuloy ang hakbangin, hindi dapat ang tumigil;
lawakan ang pag-iisip, 'wag manatili sa gabutil,
alalahanin ang pag-ibig na hindi pasisiil.

kung hindi pa ngayon, maiiwan ka ng panahon,
darating ang araw at di ka na makakaahon;
'wag tutulog-tulog, kailangan nang bumangon,
ang pagmamalaki'y kailangan nang ibaon.

sige ka..ikaw din.^^

basura ka!

DAMHING MAIGI,
ANG HANGIN SA PALIGID;
WALA KANG MASISISI,
SA DUMING WALANG PATID;
KUNDI ANG 'YONG SARILI,
NA POLUSYON LAMANG ANG HATID!

"ANG PLASTIK KONG DALA, ISUKSOK LAMANG SA TABI.."
GANYAN KUNG MANGATWIRAN ANG KATULAD MONG MAKITID,
PANGANIB NA DALA, SA ISIP BA'Y HINDI SUMAGI???
KUNG KAILAN MALALA SAKA PA LAMANG MABABATID..

ANO NGA BA ANG BASURA?
O
SINO KAYA?

^^

Paano 'ko maiiwan ang Diyos na hindi nang-iiwan,
Kung sa kasiyahan at kalungkutan, sa akin Siya'y nananahan?


Paano 'ko magagalit sa Diyos ng pag-ibig,
Kung sa kalakasan at kahinaan ko, Siya lang ang aking sandigan?


Paano 'ko malilimutan ang Diyos na di lumilimot,
Maging ang akin ngang pangalan, sa Kanyang palad nakaukit?


Paano ko madadaya ang Diyos ng kaalaman,
Maging bilang nga ng aking buhok ay kanyang nalalaman?


Paano 'ko tatalikuran ang Diyos na laging tumatalima?
Sa kabila ng pagkukulang ko, bigay Niya'y buhay na pag-asa.


Kahit iwan mo Siya, magalit ka, kalimutan Siya, kahit pa dayain mo Siya at talikdan?
nalalaman kong mananatili ka sa Kanya.
Hindi nga ang layo o haba ang makapagpapasuko sa Kanya,
Hindi ang lalim o taas ang makapipigil sa Kanya,
Walang kahit na anung nilalang ang makapagwawalay sa pag-ibig ng Diyos..


Kailan ma'y hindi pa kumupas ang pag-ibig Niya.
Wala pang nabigo na sumubok sa Kanya,.




Dakila.. Dakila ang Diyos!
Walang kasing dakila ang Kanyang Pag-ibig.
Kulang ang mga salita upang maipahayag ang aking pasasalamat,
Kukulangin ang papel kung akin pang isusulat..





Payapa't panatag na hindi kukupas,
Ang pag-ibig ng Diyos na walang pintas;
Walang hihigit, ni walang papantay,
Dakila ang biyaya na sa aki'y inialay..