Sa mundong mali ay nagiging tama,
Sadyang nililinlang ang 'yong mata;
kapahamaka'y nagiging maganda,
at kasalana'y hindi na halata.
Sa mundong maingay ang katahimikan,
Litong isip ay nagugulumihanan;
Ang kapahingaha'y walang tahanan,
Tainga ay bingi sa katotohanan.
Sa mundong kapayapaan ang kaba,
Bakas ng kahapon ay ala-ala;
Daratning bukas ang laging pantaha,
Ang ang isipan ay pagala-gala.
Sa mundong ito, marami ang nalilinlang. kaakit-akit ang mali at tila mahirap gawin ang tama.
maraming sumisigaw ngunit mas malakas ang bulong,
maraming sumasayaw sa tugtuging malungkot.
marami ang napapakanta sa pananahimik,
maraming tumataksil sa tapat,
maraming nanloloko sa katotohanan.
kawawang mundo.
kawawang tao.
nalinlang ng sarili n'yang anyo.
nalinlang ng sarili n'yang plano.
No comments:
Post a Comment