Kung sa kasiyahan at kalungkutan, sa akin Siya'y nananahan?
Paano 'ko magagalit sa Diyos ng pag-ibig,
Kung sa kalakasan at kahinaan ko, Siya lang ang aking sandigan?
Paano 'ko malilimutan ang Diyos na di lumilimot,
Maging ang akin ngang pangalan, sa Kanyang palad nakaukit?
Paano ko madadaya ang Diyos ng kaalaman,
Maging bilang nga ng aking buhok ay kanyang nalalaman?
Paano 'ko tatalikuran ang Diyos na laging tumatalima?
Sa kabila ng pagkukulang ko, bigay Niya'y buhay na pag-asa.
Kahit iwan mo Siya, magalit ka, kalimutan Siya, kahit pa dayain mo Siya at talikdan?
nalalaman kong mananatili ka sa Kanya.
Hindi nga ang layo o haba ang makapagpapasuko sa Kanya,
Hindi ang lalim o taas ang makapipigil sa Kanya,
Walang kahit na anung nilalang ang makapagwawalay sa pag-ibig ng Diyos..
Kailan ma'y hindi pa kumupas ang pag-ibig Niya.
Wala pang nabigo na sumubok sa Kanya,.
Dakila.. Dakila ang Diyos!
Walang kasing dakila ang Kanyang Pag-ibig.
Kulang ang mga salita upang maipahayag ang aking pasasalamat,
Kukulangin ang papel kung akin pang isusulat..
Payapa't panatag na hindi kukupas,
Ang pag-ibig ng Diyos na walang pintas;
Walang hihigit, ni walang papantay,
Dakila ang biyaya na sa aki'y inialay..
No comments:
Post a Comment