Sa mundong ito, lahat ng bagay may dahilan. Mayroong rason kung bakit nangyayari ang ilang kaganapan kahit pa hindi natin mawari kung minsan. May’ dahilan kung bakit iisa ang bibig samantalang dalawa ang pandinig. Kung bakit may dalawang paa ngunit hindi sabay ang paghakbang, kung bakit may dalawang mata ngunit ang iba’y duling, banlag, kirat, o malabo habang mayroon din namang malilinaw. Kung bakit nga ba may’ maliit at may malaki? Mahaba’t maiksi? Mataba at payat. Naitanong mo na ba kung bakit may kuko ang bawat daliri natin?? At palaging may kilay sa ibabaw ng mata? Natanong mo na ba kung para saan ang kurbang daan sa iyong tainga? Bakit ang batok walang buhok? Bakit pa ba kailangang tumubo ng mga tigyawat? Bakit ang buhok ay humahaba? Bakit nagugutom pa ang tao?? Bakit ba kailangang kumain ngunit kalauna’y kailangan namang magbawas? Bakit pag masakit ang ulo hindi na rin makalakad si paa? Pag nasaktan si puso hindi na rin makakain si bibig at hindi makapagisip si utak?
Sa daming ng “walang halaga” kong katanungan, hindi ka ba namangha o nagtaka man lang? mayroon kang mga bagay na nagagawa ngunit hindi kaya ng iba. Hindi mo ba naisip na isa kang obra maestra? Minsan kang pinagisipan, pinaghirapan, at dinisenyong maging kaiba sa lahat. Ginawa kang walang kapintasan. Hindi ka isang pagkakamali. Ano man ang itsura mo, abilidad, karakter o kapansanan sa iyong pananaw, isa kang perpektong nilalang. Maganda! Kahanga-hanga! Kakaiba! Walang katulad!
Huwag panghihinaan sa kutya ng iba, dahil ikaw ang pinakamagandang nilikha para sa iyong Manlilikha! :)
No comments:
Post a Comment