Inggit, galit, poot, sakit, kabiguan, kalayawan, kamangmangan, kasinungalingan, kapahamakan? .. kasalanan!
Ito ang sanlibutan, mundong puno ng kaguluhan, nananaha’y kasalanan at ang tungo’y kamatayan..
Tila tupang ligaw ang mga taong mangmang,
sa katotohana’y uhaw, sa kapangyarihan ay hibang.
Kamatayan ang ipapataw sa lahat ng nalinlang,
Pag-ibig ba’y mangingibabaw kung kasalanan ay hadlang??
Ngunit gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos,
hamak na mangmang ay inibig Niyang lubos,
Bugtong na Anak ang Kanyang pinangtubos,
mula sa kasalanang kalunos-lunos.
“‘wag kang matakot,” anghel ay nagwika,
“Sumasaiyo ang sa Diyos na Biyaya,
ika’y magsisilang ng sanggol na dakila,
tatawaging Immanuel,” Diyos ay ating kasama.
“narito ako, sa Diyos naglilingkod,
sa Iyong kalooba’y, buong pusong susunod..”
at isinilang ang Mesias sa bayan ni David
munting sanggol sa sabsabang kaligtasan ang hatid.
Habang nagbabantay ang mga pastol sa parang,
isang anghel ang nagpakita sa kanilang harapan,
sila ay natakot ng gayon na lamang,
ngunit mabuting balita’y kanilang nalaman.
At biglang lumitaw hukbo ng kalangitan,
libo libong anghel sa langit ay nag-awitan:
♪♫“Papuri sa Diyos, sa kaitaas-taasan;
at sa lupa’y mayroong kapayapaan sa mga kinalulugdan,
purihin Siya!!!”
Naging tao ang salita at sa atin ay nanahan,
mundo’y nakasumpong ng kapayapaan.
Sa Kanyang himala Siya’y dinadakila,
si Jesus nga ang Cristo na kahangahanga..
Subalit kay lupit ng sanlibutan,
Siya ay kinutya at nilapastangan,
pinagkanulo, kinatwa, at Siya’y hinatulan,
pati Kanyang kasuota’y pinaghati-hatian.
Sa dako ng bungo
doon Siya ipinako,
“Hari ng mga judio”
sa krus ng kalbaryo..
“Ama, patawarin mo sila,
hindi nila alam ang kanilang ginagawa,”
dug.. dug.. dug.. dug..
…”Naganap na. . “
Sa mga umiibig bumalot ay kalungkutan,
Habang sanlibuta’y nagdiwang sa kagalakan.
ISA..”Nasaan si Jesus??”
DALAWA..”Bakit niyo hinahanap ang buhay sa mga patay??”
TATLO..”Si Jesus ay nabuhay!!!!!!!!!”
♪♫”Buhay, Buhay si Cristo’y nabubuhay!
kasama ko at kaakbay sa makipot na daan,
buhay! buhay! dala’y kaligtasan.. tanong mo’y bakit ko alam?
sa puso ko’y buhay..”
Ito ang Dakilang Biyaya ng Diyos,
ang aking kasalana’y pinawi Niyang lubos,
ang Kanyang Pag-ibig ang sa aki’y tumubos,
ang pasko’y tungkol sa aking Manunubos.^^
may video ba nito...?
ReplyDeletewala yatang video to :)
Deletei don't really like it
ReplyDeleteardian
ReplyDeleteSino po ang author ?
ReplyDeleteUne Perez ^^
DeleteTang ina niyo pakyu
ReplyDeleteYay!
ReplyDelete